Advertisers
AMINADO ang Malakanyang na posibleng isailalim na sa “new normal” status ang ilang lugar sa bansa na nakapagtala ng zero transmission ng COVID-19 sa mga nakaraang buwan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, personal niya itong iminungkahi sa Inter-Agency Task Force kung saan sinang-ayunan nito.
Saad pa ni Roque na magkakaroon na ng bagong classification na new normal sa susunod na buwan.
Gayunman, aminado si Roque na malabo pa umanong ilagay ang National Capital Region (NCR) sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Batay sa panuntunan ng Department of Health (DOH), dapat ay nasa 28 araw ang case doubling rate bago mailagay ang isang lugar sa MGCQ pero sa kaso ng NCR ay nasa 13 hanggang 14 days pa lamang ang ating case doubling rate. (Josephine Patricio)