Advertisers
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Michael Braganza Peloton bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (COMELEC).
Si Peloton ang papalit kay Commissioner Tito Guia na nagretiro na.
Pirmado ng Pangulo ang appointment paoer ni Peloton nitong Setyembre 17 at mananatili ito sa pwesto hanggang Pebrero 2, 2027.
Una rito ay inanunsiyo ni Chairman Sherrif Abas ang appointment ni Peloton sa komisyon.
Si Peloton ay isang abogado na may karanasan sa information technology. (Josephine Patricio)