Advertisers
NASAMSAM ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 40 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P270 million sa buy bust operation sa San Fernando, La Union nitong Bi-yernes ng tanghali.
Arestado sa operasyon sina Romel Leyese, 38; at isang John Paul.
Isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1, National Capital Region (NCR), Police Regional Office 1, Team Navy at iba pang law enforcement units.
Ayon sa PDEA, naka-repack sa iba’t ibang sachet ang mga nasamsam na iliga na droga. Nakuha rin sa operasyon ang iba’t ibang IDs, mga dokumento at buy bust bust money na P3 million.(KOI LAURA)