Advertisers
SUMUKO ang salarin sa panghahalay at pagpatay sa12-anyos batang babae sa Rosario, Cavite kamakailan.
Kinilala ang salarin na si Erly Arguelles.
Unang naiulat na nawawala ang biktima noong Agosto 30, 2020 at natagpuang patay ng Sept. 1 sa mismong bakuran ng tahanan ng salarin sa Barangay Muzon 2, Rosario.
Base sa autopsiya, bukod sa ginahasa ang dalagita, tinorture pa ito bago pinatay at ibinaon sa lupa na tinakpan ng sako na may buhangin sa loob mismo ng bakuran ng salarin.
Hindi na nagawang lumaban pa ni Arguelles nang matunton at masukol ng mga operatiba sa pinagtaguang bahay sa Barangay Conchu, Trece Martirez City.
Nahaharap sa kasong Rape with Homicide si Arguelles. (Irine Gascon)