Advertisers
NALITSON nang buhay ang mag-asawa at dalawa nilang anak nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Moalboal, Cebu.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jonathan Masuela, 38; misis nitong si Rose, 38; at mga anak na sina Sib Jethro, 12; at Dyren, 14, pawang residente ng Barangay Walog Balabagon, Moalboal.
Sa report ng Bureau of Fire Protection, 12:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bahay ng pamilya Masuela.
Sa ulat, mahimbing nang natutulog ang mag-anak nang sumiklab ang apoy sa bandang sala ng kabahayan.
Naramdaman ni Juvy John, 16, isa sa mga anak ng mag-asawa, ang sunog kaya mabilis siyang nakalabas ng bahay sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana.
Tumagal lamang ang sunog ng ilang oras at tumambad sa bumbero ang nalitsong bangkay ng mag-asawa at dalawang anak.
Aabot sa P15,000 ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.(