Advertisers

Advertisers

Public school teachers may P5K cash allowance mula sa DepEd

0 270

Advertisers

MAKAKATANGGAP ng P5,000 cash allowance ang mga public school teachers mula sa Department of Education (DepEd) kasabay ng pagbubukas ng klase sa Lunes, August 22.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, lahat ng guro ay makatatanggap ng cash allowance bilang tulong sa paghahanda nila sa pasukan.

Ang dagdag-pondo ay hiwalay pa sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga paaralan.



Dagdag pa ni Poa na puwedeng gamitin ang P5,000 cash allowance sa iba pang kailangan ng mga guro gaya ng pang-internet.

Pinag-aaralan na rin ng DepEd ang posibilidad na pagbibigay sa mga guro ng loans at iba pang non-financial benefits.

Inaasahan namang madaragdagan na ang sahod ng mga public school teachers bago ang 2023. (Josephine Patricio)