Advertisers

Advertisers

‘MARAMING ULO ANG GUGULONG SA RECYCLED IMPORT PERMITS!’

0 219

Advertisers

NAGBANTA nitong Biyernes, Agosto 19, ang Malacañang na maraming ulo ang gugulong sa Bureau of Customs (BOC) kapag napatunayan ang sinuman sa port personnel na kasabwat ng smugglers na gumagamit ng recycled sugar import permits.

Ang babala ay ginawa ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles matapos iulat ng BoC ang pagkumpiska sa posibleng smuggling ng 7,201 metric tons ng asukal mula sa Thailand sa Subic Port sa Zambales.

Sa news release, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na napag-alaman ng BOC na ang import permit na ginamit para sa cargo ay “recycled,” ibig sabihin ay ginamit na ito sa naunang sugar shipment.



“Dun pa sa hinarang na shipment, gamit pa daw ang permit from Sugar Order No. 3. Kung totoo ito, lalong nagiging suspicious yung madaliang paglabas ng Sugar Order No. 4,” sabi ni Cruz-Angeles.

Ang sugar ‘Order No. 4’ ay sinabing iligal ng Malacañang dahil ito’y hindi aprubado ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang Agriculture secretary.

Sa ulat ni Acting Customs Commissioner, Yogi Filemon Ruiz, kay Executive Secretary Vic Rodriguez, sinabi nitong mahigit sa 7,000 tons ng Thailand white refined sugar ang nakakarga sa cargo vessel MV Bangpakaew. Ang shipment ay katumbas ng 140,000 bags at may total tax payment na P45.6 million.

Sa ulat ni Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) officer-in-charge Joeffrey Tacio, sinabi niyang ang cargo ay covered ng “Special Permit to Discharge (SPD) and Verified Single Administrative Document (SAD)” mula sa BOC at may verified clearance mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

“Initially, the said cargo vessel was allowed to discharge its load at 11 am (Thursday), cleared by SRA and BoC because it was not covered by the failed attempt to import 300,000 MT of sugar,” sabi ni Tacio sa news release.



“This means that the recycled permit was from an old allocation,” dagdag niya.

Inutos ni Ruiz sa BOC personnel sa Subic Port na i-custody ang 19 crew members ng MV Bangpakaew.

Ayon sa OPS, sa mga ulat na nakarating sa Office of the Executive Secretary (OES), nagsasabing kaparehas ang modus na gumamit ng “recycled import permits” sa sugar smuggling nitong nakaraang linggo.

Sa ulat mula sa OES, tinukoy ang mga tao na sangkot sa pagkontrol sa Subic Port.

“This is clearly economic sabotage and this crime is non-bailable,” ulat mula sa OES.

Bago ito, sinabi ng OPS na pinaiimbestigahan na ni President Marcos Jr. sa BoC ang posibilidad na ang mga “locally procured” sugar na nakumpiska sa mga warehouse sa San Jose Del Monte, Bulacan ay imported sugar pero ni-repacked sa local brand na sako.

Ayon kay Cruz-Angeles, isa sa mga warehouse na ininspeksyon ng BoC ay hindi nakarehistro sa SRA.
“Suspicions were raised when the owner claimed that the stockpile was the result of slow sales. ‘Matumal’ daw,” sabi niya.

Ani Cruz-Angeles, marami pang warehouse ang iinspeksyunin sa mga susunod na araw sa gitna ng krisis ng asukal sa bansa.