Advertisers

Advertisers

Kylie naging emosyunal nang purihin ni Jaclyn sa serye

0 264

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

HINDI naiwasang maging emosyunal ni Kylie Padilla sa media conference ng Bolera matapos na makatanggap ng papuri mula sa batikang aktres na si Jaclyn Jose, na naging ina niya sa serye.
Ayon kay Jaclyn, nakita niya ang husay at dedikasyon ng mga aktor na nakasama niya sa Bolera, kasama na si Kylie. Aniya, “Si Kylie nakatrabaho ko, alam kong mahusay si Kylie talaga.”
Para kay Kylie, “sobrang nakatataba ng puso” na makarinig ng papuri mula sa “magaling na aktres” na tulad ni Jaclyn. “Na-appreciate” din daw niya ang magandang samahan nila sa Bolera.
“Ang na-appreciate ko talaga kay Tita Jane is she really connected with me in a deeper level, agad. I mean hindi lang naman ‘yun makakatulong sa eksena, siyempre sa work, pero she really helped me as a person din kasi bilang nanay kaming dalawa ang dami kong natutunan sa kanya,” sabi ni Kylie.
Dagdag niya, “But most [important] sa akin ‘yung nag-connect kami bilang tao and sobrang saya niyang kasama. She’s a real person, hindi siya artista on set. And ‘yun talaga ‘yung na-appreciate ko kasi gusto ko rin ‘yun e sa trabaho natin, the connection. Hindi lang ‘yung nandito lang tayo para magtrabaho ‘di ba?
“Bilang artista hinahanap ko rin ‘yung totoong connection behind the screen and that’s what makes the magic happen on screen. Thank you Tita Jane for taking care of me and connecting with me,” pahayag pa ni Kylie.
Magtatapos na this week ang Bolera sa GMA, papalitan ito ng What We Could Be nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.
***
HINDI mapigilan ng mga manonood ng Apoy sa Langit na magalit sa karakter na ginagampanan ni Zoren Legaspi.
Sa episode kamakailan ay ipinakita sa Apoy sa Langit ang totoong plano nina Cesar at Edong (Carlos Siguion-Reyna). Inilahad dito na nagpabugbog si Cesar para maawa si Gemma (Maricel Laxa) sa kanya.
Dahil dito, hindi mapigilan ng mga manonood na magalit sa karakter ni Zoren dahil sa patuloy nitong paggawa ng masama kay Gemma at pati na rin kay Stella (Lianne Valentin). Matatandaang sinaktan ni Cesar si Stella dahil sa patuloy nitong pagsama sa kanya.
Ayon sa manonood, kitang kita ang husay ni Zoren sa pagganap bilang Cesar.
“Galing ni Zoren Legaspi ‘yung mga [dialogue] niya tagos. Walang kupas,” saad ng isang netizen.
Komento naman ng isang manonood, naaawa na siya kay Stella dahil kay Cesar.
“Ang galing nila gumanap nakakaawa si Stella appreciated po sobra… Mr. ZOREN galing.”
Hindi naman napigilan ng isang netizen na magkomento sa kasamaan ni Cesar.
“Nakakalakad pala si Cesar? Hay ayoko n sa’yo Zoren, bad ka. Hahaha”
Abangan ang iba pang mga plano ni Cesar sa huling dalawang linggo ng Apoy sa Langit, 2:30 p.m. sa GMA Network.