Advertisers
Ni WALLY PERALTA
BUWAN ng Marso nang pagpasyahan ni Tom Rodriguez na manatili muna sa poder ng kanyang mga magulang sa States para makapagmove-on sa makontrobersyal na hiwalayan nila ng dating asawang si Carla Abellana.
Mula Marso ngayong buwan lang ng Agosto muling nagpakita si Tom at umattend sa isang showbiz event, hindi sa Pilipinas kundi sa States. Dumalo kasi bilang special judge si Tom sa Miss Philippines USA pageant na ginanap sa San Diego, California.
At hindi rin ‘nakatakas’ sa mga Pinoy reporter na naka-base sa States at natanong nga ang aktor kung nami-miss na ba niya ang kanyang buhay-showbiz sa Pinas.
“Buena mano. It’s really nice to come here to represent and also be part of the festivities. I really miss performing and collaborating not just with my peers and predecessors but also collaborating with the audience. You know that rapport,” say ni Tom.
Kailan naman kaya plano ni Tom magbalik sa Pinas at muling maging aktibo sa showbiz? Ani aktor na sa ngayon ay hindi pa raw siya makakauwi ng Pilipinas dahil may mga nakalinya siyang projects sa States.
“We’ve got a few things lined up so I’ve been lucky enough to be part of a series of shows. Hopefully, I can start plugging them soon,” dagdag na say pa ni Tom.
***
PATULOY ang pagtaas ng kinikita sa takilya ng “Maid In Malacanang” na ngayon ay nasa ika-apat na linggo ang showing worldwide and making almost P330M box office return in just three weeks.
Wala pa rito ang kinikita ng MiM sa kanilang worldwide screening. Dinumog at dinagsa rin ng mga moviegoers sa Japan, Amerika at Middle East ang naturang bio epic movie.
Game naman sumalang sa mga maiintrigang katanungan si Cristine mula sa mga Expat Media sa Dubai. Diretsahang tinanong si Cristine kung ano ang masasabi niya sa isang negative comment na okray ang kanyang akting at lumabas ang naturang basher sa kalagitnaan ng panonood daw niya ng MiM dahil sa ‘nakagugulantang’ nitong paggaya sa karakter ni Sen. Imee Marcos.
“Lahat tayo may kani-kaniyang opinion at nirerespeto po kita. Ok next, let’s move on to that,” say ni Cristine.
Dagdag na say pa ni Cristine, ang karakter ni Sen. Imee ang pinakamalapit sa kanyang pagkatao at ito talaga ang role na sa kanyang palagay ang nararapat niyang gampanan.
“I can relate to Sen. Imee Marcos. It is because we are the same when it comes to making things right and being empathetic to other people,” sey pa ni Cristine.
Kibit balikat na lang ang response ng aktres sa tsikang pure ‘tsismis’ lang daw ang istorya ng kanilang pelikula since sa title palang ay tsikahan lang ng maid ang pinagkuhanan daw ng source.
“Again, i respect their opinion,” pahayag pa rin ni Cristine.