Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PARANG dismayado ang isang netizen na nakapanood ng game show ni Dingdong Dantes.
Sa unang round daw ng game ay okey naman ang flow ng show.
Sa second round, may question doon ang mister ni Marian Rivera na tila napamulagat ang mata ng netizen.
Ang sagot o tamang sagot ay nanggagaling sa survey na dapat ang kalahok ang isasagot ay ayon na rin sa survey para pasok sa banga.
Ang ikinaloka ng netizen ay ang tanong na gusto talaga nitong tumili ng walang sound.
Ang tanong ni Dingdong sa mga kalahok sa kanyang game show na ‘kung bibigyan ka ng P100k anong insekto ang kakainin mo?
Eh sa tanang buhay natin ay never naman tayo nakakain ng ipis, alupihan, surot etc. etc.
Napuna ng netizen na suhestyon pa nito na dapat sumasala rin sa pagre-review ang pagtatanong lalo na nga raw nationwide ang telebisyon.
At kahit naman sino wag lang baliw kahit bigyan pa raw ng 1M walang kakain ng insekto ayon sa netizen.
Hmmmp!?
***
KUNG pananabik na mapanood ng Vilmanians ang kanilang idolo na si Vilma Santos Recto ay nalalapit na sana.
Matagal din ang pamamahinga nito sa paggawa ng mga project dahil sa kanyang political career.
Tila may pagbabadya at paramdam na tila nagplaplano na ang Star For All Seasons na balikan ang showbiz.
Kung na-miss nga ng followers si Ate Vi for sure mismong ang nanay ni Luis Manzano ay miss at excited na na makagawa ng project mapa telebisyon man o pelikula.
May nakakasa na nga raw sanang project kay Ate Vi.
At ang tsika ay first time lang gagawa si Ate Vi ng ganitong tema ng proyekto, ang sitcom.
Makasama rin sana niya ang kanyang anak na si Luis.
Pero nabuntis si Jessy Mendiola kaya naudlot ang project na mawa-watch na sana si Ate Vi.
Knows naman daw at open book kung gaano na kaatat na magkaapo si Ate Vi.
Well, well, well…’Yun na!