Advertisers
Nasamsam sa tatlong high-value individual (HVIs) na drug suspek ang tinatayang P5.4 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Pasig City nitong Sabado.
Kinilala ni National Capital Regional Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Jonnel Estomo ang mga suspek na sina Mohaimen Rangaig, regional high-value individual (HVI) ranked No. 5; Matet Makebel, at Isabel Tobosa, na kapwa rin kabilang sa Regional HVI Priority Database on illegal drugs.
Sa ulat, 5:05 hapon ng Sabado sa 683 R. Castillo St., Barangay Kalawaan, Pasig City nang ikasa ng Pasig City Police Station-Drug Enforcement Unit ang drug bust operation laban sa tatlong suspek.
Sa rough estimate ng pulisya, nasa 800 gramo ng shabu na may standard drug price na P5.4 milyon ang nakuha sa tatlong suspek.
Dinala ang tatlong suspek at mga ebidensya sa istasyon ng pulisya bilang paghahanda sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 11 ng R. A. 9165 o Kilala ring Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanila; dadalhin rin ang mga ebidensya at suspek sa NHQ-Forensic Unit, Camp Crame, Quezon City, para sa laboratory examination ng drug evidence, at drug test.