Advertisers

Advertisers

Chezka Centeno kampeon sa Asian Women’s 9-Ball

0 243

Advertisers

MULING ipinamalas ang husay ni veteran internationalist Chezka Centeno matapos magkampeon sa 2022 APF (Asian Pool Federation Ltd) Asian Women’s 9-Ball tour na ginanap sa Aspire Recreation Centre sa Singapore, Linggo ng gabi.

Ipinakita ni Centeno at kanyang “never say die spirit” na pinayuko si Seo Seoa ng Korea, 11-7, sa finals para mag reyna at makopo ang championship trophy.

Nagwagi si Centeno mula sa pagkabaon ng 4-0 deficit sa simula ng laro na winasiwas si Seo Seoa para makamit ang Asian crown sa inaugural staging ng tournament.



Nakalusot ang Zamboanga native mula sa kanyang mga mintis sa laro. Galing siya sa losers’ bracket matapos ang 7-6 decision na pagkatalo kay Jessica Tan ng Singapore kung saan si Centeno ay nakakuha ng tiket sa knockout stage matapos manaig kontra kina Fathrah Masum ng Indonesia, 7-1, at Lee Woojin ng Korea, 7-3.

Dahil sa virtue ng kanyang title sa competition na inorganisa ng Asian Pool Federation ay nakakuha si Centeno ng spot sa Predator World 10-Ball Championship sa susunod na buwan (Setyembre) sa Austria.

Sa men’s section ay naiuwi naman ni James “Dodong Diamond” Aranas of Bacoor, Cavite ang runner-up honors.

Yumuko si Aranas kay eventual winner Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei, 11-13, sa kanilang nakaraang championship match.

Una muna ay giniba ni Aranas si Duong Quoc Hong ng Vietnam, 11-9, sa Round-of-32, Demosthenes “Plong-Plong” Pul-Pul, 11-16, sa Round-of-16 bago ang 11-2 victory sa kababayang si Lauro Bongay sa Round-of-8.



Sa semifinals ay naka lusot si Aranas kay Japan’s Naoyuki Oi, 11-6, tungo sa titular showdown kay Ko na pinatalsik naman ang Filipino Johann Chua, 11-2.

Si Ko din ang nag eliminate sa isa pang Pinoy tumbok king Anthony Raga sa quarter-finals.