Advertisers

Advertisers

EJ Obiena ginto sa True Athletes Classics

0 269

Advertisers

NASILO ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang pinakamataas na karangalan sa True Athletics Classics 2022 meet, Linggo na ginanap sa Leverkusen,Germany.

Nalundag ni Obiena ang 5.81 meters sa kanyang ikalawang pagsubok, sapat na para masungkit ang ginto laban kay Rutgar Koppelaar ng Netherlands at Kurtis Marshall ng Australia.

Koppelaar at Marschall ay parehong nalundag ang 5.81 meters sa kanilang ikalawang pagsubok,pero nabigo sa kanilang naunang vaults kung saan si Obiena ay nangailangan lang ng isang pagsubok para ma-klaro ang 5.63 meters.



Ang Filipino athlete ay sinubukan na magtala ng bagong personal best pero tatlong beses nabigo sa 5.95 meters mark.

Ang gold sa Leverkusen ay magandang resulta para kay Obiena, na nagwagi ng bronze sa World Athletics Championship sa Oregon noong July kung saan nagtala ng bagong Asian rekord na 5.94 meters.



Sinundan ng third place finish sa Silesia leg ng 2022 Wanda Diamond League, at nagtagumpay sa 26th Internationales Stabhochsprung – Meeting sa Jockgrim,Germany nakaraang Linggo.

Bago ang True Athletes Classic event, Obiena ay third place sa Athletissima sa Lausanne.



Ang susunod na sasalihan ni Obiena ay ang St. Wendel City Jump sa Germany sa Miyerkules, Agosto 31, susunod ang Memorial van Damme event sa Brussels,Belgium sa Biyernes, Sept 2.