Advertisers

Advertisers

MAS PINALAKAS NA DIGITAL’ISKO SA MAYNILA KATUWANG ANG PAGCOR

0 3

Advertisers

MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang 100 Smart TV units na donasyon mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kamakailan lang bilang suporta sa pagpapalakas ng digitalisasyon at mas episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko.



Pormal na iniabot nina PAGCOR Assistant Vice President Eric Balcos at Senior Manager Rydel De Guzman ang mga Smart TV kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza sa ginanap na turnover ceremony sa Manila City Hall.

Buong pusong nagpapasalamat si Yorme sa patuloy na pakikipagtulungan ng PAGCOR sa pamahalaang lungsod, at sinabi na patunay ang donasyong ito ng matibay na ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng mga Manileño.



Ayon sa alkalde, malaking ambag ang mga Smart TV sa patuloy na modernisasyon ng City Hall at sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang higit pang mapahusay ang operasyon ng lokal na pamahalaan at ang paghahatid ng mga serbisyo sa publiko.

Sinigurado din ni Domagoso na ang mga donasyong kagamitan mula sa PAGCOR, gayundin ang iba pang natatanggap ng lungsod, gagamitin nang maayos, responsable, at direktang makikinabang ang mga residente ng Maynila.
Lowcut- Special shoutout sa ating kabalen na si Dennis P. Magcalas na kasalukuyang nasa New Zealand ngayon. Nagagalak ang Uppercut dahil sa higit 20 -anyos na nilang pamamalagi sa land of Kiwis ay di pa rin nakalilimot sa kanyang bayang sinilangan sa Tarlac. May mga aktibidades din siya katuwang ang mga kababayan natin doon na mga noble advocacy for a cause. Dennis da best! MABUHAY!