Advertisers
Timbog ang 5 kilabot na miyembro ng “Gapos Gang” at nagpanggap na pulis at NBI ang naaresto sa Marikina City.
Sa ulat na tinanggap ni EPD-district director P/BGen. Melencio Buslig Jr., kinilala ang mga nadakip na sina alyas “Ahom”, 27-anyos, “Don-Din”-52, “Ortong”-21, “Ric”, 42 anyos at “Beshir” 43-anyos kapwa mga taga-Nueva Ecija at Isabela.
Habang si alyas “Myk” at 3 kasama ng mga ito na nakatakas ay target ngayon ng manhunt operation ng awtoridad.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 12:30 ng madaling araw Hulyo 13, 2026 nangyari ang panghoholdap ng mga suspek sa Brgy., Concepcion dos sa lungsod.
Gamit ang tatlong pekeng warrant of arrest ng 5 suspek at nagpakilalang pulis at tauhan ng NBI.
Winasak ang CCTV-camera at itinali ang mga biktima ng cable ties at duct tape habang ninanakaw ang mga alahas at kwarta at tinangka pang linisin ang mga ebidensya sa crime scene.
Sa kabila umano ng takot lihim na nakatawag ang isa sa mga biktima sa pulisya habang abala naman sa pagnanakaw ang mga suspek.
Ddhil dito, agad na rumesponde ang mga pulis ng Marikina Police Sub-Station 8 at nadakip ang 5 holdaper.
Narekober sa mga ito ang 1 iPad, relo, Isang 9 mm pistol, 2 magazine, 19 na bala, 4 sumpak, tali, tape, 5 maskara, 5 cellphone, ID’s at mga pekeng dokumento.
Isinalang ang 5 suspek sa medical examination sa ARMMC habang inihahanda ang kasong robbery hold-up at illegal possession of firearms.
Dagdag ni EPD-director BGen. Buslig Jr., “Hindi ito simpleng holdap — ginamit nila ang PNP upang takutin at saktan ang mga inosente. Hindi namin palalagpasin ang ganitong kalapastanganan na gamitin ang pangalan ng batas sa masamang gawain.”
Pinuri naman nito ang Marikina PNP sa mabilis na aksyon at biktimang agad humingi ng saklolo sa awtoridad sa kabila ng panganib na ikinaaresto ng mga mandarambong. (Edwin Moreno)