Advertisers

Advertisers

Halos 1M private school students lumipat sa pampublikong paaralan

0 292

Advertisers

NASA 900 estudyante sa private schools ang lumipat na sa public schools simula nang maranasan ng bansa ang COVID-19 pandemic.

Pahayag ito ni Dr. Anthony Tamayo, Chairman ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) kaya’t maraming pribadong paaralan na rin ang nagsasara.

Ipinabatid naman ni Atty. Joseph Noel Estrada, Managing Director ng COCOPEA na bumaba ang enrollment sa 60% ng private schools.



Dahil dito, umapela si Estrada sa gobyerno na i-consider ang private schools bilang complementary o isulong din ang kalidad tulad nang sa public school system.

Hindi aniya dapat makita ang kumpetisyon ang private sector subalit nagku-compliment nga sa public schools kaya’t sa halip na magtayo ng mga gusali mas magandang mabigyan ng vouchers ang mga estudyante para naman mapunan ang mga bakanteng silid aralan sa private schools para hindi na magsara ang ilan sa mga ito.