Advertisers
SINDIKATO ang nasa likod ng malawakang personalized text scams na natatanggap ng mga Pilipino halos araw-araw, ayon sa mga opisyal ng telcos .
Ayon kay Anton Bonifacio, chief information security officer ng Globe Telecom, kailangan nang mahanap ang source ng text scams sa pamamagitan ng pagpapakalat ng law enforcement bodies. Sigurado aniya na may local operating center ang mga sindikato.
Aniya, posible na sa phone apps nakukuha ng mga scammer ang data ng mga user.
Ayon naman kay Angel Redoble, FVP at chief information security officer ng PLDT/Smart Telecom, nasa 400 milyong text scams at 11 bilyong phishing sites na ang kanilang na-block.
Aniya, mabilis at papalit-palit ang mode of text scams na ginagawa ng sindikato sa likod ng text scams.
Automated aniya ang karamihan sa text scams na natatanggap ng mga user.
Hindi man mawala ang text scams ay sinisikap aniya ng mga telco na bawasan ang bilang ng nakakatanggap nito.
Ngayong Miyerkules ay magkakaroon ng pagdinig ang Senado ukol sa malawakang text scams sa bansa.