Advertisers

Advertisers

Sino ang nagsasabi ng totoo? SEC. RODRIGUEZ ITINANGGI ANG PAG-ANGKAT NG 600K-MT NA ASUKAL!

0 219

Advertisers

PINABULAANAN ni Executive Secretary Vic Rodriguez ang isyu na pinalutang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ideya ng pag-angkat ng 600,000 metric tons (MT) ng asukal.

Magugunita na sa ikatlong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa sugar importation fiasco, pinalutang ni Sugar Regulatory Administration (SRA) administrator Hermenegildo Serafica na binanggit ni Pangulong Marcos noong August 4 meeting ang pag-angkat ng nasabing volume ng asukal.

Sinabi ni Sec. Rodriguez na walang nabanggit si Pangulong Marcos na amount o dami ng aangkating asukal dahil ayaw nga nito mag-angkat ng hanggang 300,000 metric tons ng asukal.



“Walang binabanggit na amount, in terms of quantity, si Kagalang-galang na Pangulo pagdating doon sa MT na dapat iangkat. Kaya tayo naipit doon sa import plan palang dahil hindi nga kami kumbinsido sa 300,000 MT,” sabi ni Rodriguez na sorpresang dumalo sa pagdinig matapos pagbantaan na isu-subpoena ng Senado.

“Walang katotohanan na nanggaling kay Pangulong Marcos ‘yung 600,000 MT. Yung 300,000 MT nga ay hindi kumbinsido ang Pangulo, bakit niya sasabihing 600,000?” dagdag ni Rodriguez. – Mula sa Radyo Bombo