Advertisers

Advertisers

Livelihood packages ipinagkaloob ni Mayor Along sa pamilya ng mga nailigtas na child laborers

0 220

Advertisers

Kinilala ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE), ang mga child laborer at binigyan ang mga ito ng livelihood packages para iligtas sa pagtatrabaho sa lansangan.

May kabuuang 39 pamilya ang nabigyan ng rice livelihood packages bilang bahagi ng suporta ng PESO sa programa ng local council para sa proteksyon ng mga bata.



Ayon sa local chief executive, layunin nitong matulungan ang kanilang mga pamilya na magkaroon ng alternatibong pagkukunan ng pagkakakitaan, dahil karamihan sa mga natukoy na bata mga scrap collector at street vendor.

“Nais nating mailayo na sa magulong buhay sa lansangan at pangangalakal ang ating mga kabataan. Gusto natin mabigyan ang kanilang pamilya ng pagkakakitaan para makapag-focus sila sa kanilang pag-aaral at hindi sa pagtratrabaho sa kalsada,” wika ni Mayor Along.

Ayon kay PESO Officer-in-charge Ms. Violeta Gonzales, hangad ng departamento na mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga residente, kabilang ang mga vulnerable na sektor ng kababaihan, solo parents, at senior citizens na tumulong para matanggal ang mga child labor sa lungsod.

“Sisikapin natin sa PESO makapaglaan ng mas maraming oportunidad para sa mga kababayan natin, lalo na sa mga kababaihan, solo parents at senior citizens nang maiwasan ang pagtratrabaho ng mga kabataan para makatulong sa kani-kanilang mga pamilya,” pahayag ni Gonzales.

In line with this, the City Social Welfare Development Department (CSWDD) continuously conducts reach-out operations to rescue children from the streets, provide them hot meals and check their medical condition before returning them to their parent or guardian.



Alinsunod dito, patuloy na nagsasagawa ang City Social Welfare Development Department (CSWDD) ng mga reach-out operations upang iligtas ang mga bata mula sa mga lansangan, bigyan sila ng mainit na pagkain at suriin ang kanilang kondisyong medikal bago sila ibalik sa kanilang magulang o tagapag-alaga.

Dumalo rin sa natirang awarding ceremony na ginanap sa Buena Park, Caloocan si DOLE Camanava Field Office Director Rowella Grande.(BR)