Advertisers

Advertisers

Karnaper nang-agaw ng baril, bulagta sa lespu

0 209

Advertisers

Nang-agaw ng baril habang iniimbestigahan ang 23 anyos na carnapper na nagresulta ng agarang kamatayan nito sa Smokey Mountain PCP nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ni Police Lt.Col.Gene Licud, Station Commander ng Manila Police District – Station 1 , ang biktima na si Artjohn Arufo , residente ng Rodriguez St.Balut Tondo.

Sa ulat, 12:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing PCP.
Base sa iniimbestigahan, biglang nang-agaw ng baril si Arufo kay PEMS Erwin Bacungan , Deputy ng SM PCP dahilan para magpambuno ang dalawa.



Tinamaan ng bala sa ulo si Arufo na bagama’t naitakbo pa sa Gat. Andres Memorial Medical Center, idineklara itong dead on arrival.

Sasailalim naman si Bacungan sa imbestigasyon kaugnay sa nangyari. (Jocelyn Domenden)