Advertisers

Advertisers

Lalaki pinatay ng kasamahan habang tulog

0 276

Advertisers

Hindi na nagising ang isang lalakinang ataduhin ng saksak ng kanyang kasamahan sa Cebiu nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Dante Villarubia, 47, construction worker, residente sa Barangay Cabadiangan, Compostela; habang nadakip naman ang salarin na si Albert Bautista, nasa hustong gulang, tubong Batangas City at parehong nagtatrabaho sa isang subdivision sa nasabing lugar.

Sa report ng Compostela Police Station, 3:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.



Ayon sa 16 anyos na binatilyong anak ng biktima, himbing silang natutulog na mag-ama at nagising na lamang siya na pinagsasaksak ng salarin ang kanyang ama.

Matapos ang krimen tumakas si Bautista subali’t nadakip rin ito ng mga rumespondeng pulis.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, matindi ang galit ni Bautista sa biktima dahil nilayasan ang una ng kanyang buntis na misis at sumama sa ibang lalaki na kaibigan ng huli na siyang naging tulay.

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay si Bautista.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">