Advertisers

Advertisers

Truck sumalpok sa 2 tricycle: 4 patay!

0 243

Advertisers

Nasawi ang apat na katao at tatlo ang sugatan nang bumangga ang isang truck sa kasalubong na dalawang tricycle sa Pagbilao, Quezon nitong Miyerkoles ng umaga.

Sa report, nangyari ang aksidente sa kahabaan ng Maharlika highway sa Barangay Ikirin, 9:00 ng umaga.

Base sa ulat, kasalubong ng northbound truck ang mga tricycle, pagdating sa may kurbadang bahagi ng highway bigla nitong nabangga ang nasa unahang tricycle na minamaneho ni Teodoro Balitaan.



May sakay ang dalawang tricycle na pitong katao, kabilang dito ang isang sanggol.

Base sa imbestigasyon ng Pagbilao Police, nasakop umano ng tricycle ang linya ng elf truck na minamaneho ni Rafael Jovinal kaya nasabitan ito. Naitulak ng truck ang unang tricycle papunta sa kasunod na tricycle. At sa lakas ng impact, humiwalay pa ang sidecar sa motor ng isa sa mga tricycle.

Tumilapon ang ibang mga sakay ng 2 tricycle sa sementadong kalsada.

Kinumpirma ng Pagbilao police na nagtamo ng grabeng pinsala ang mga sakay ng tricycle.

Patuloy pa ang imbestiga-syon at isinugod na sa ospital sa Lucena City ang mga sugatan at inaalaman ang pagkaka-kilanlan ng mga biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">