Advertisers
MAHIGIT isang milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program ang patuloy na sumasalang sa validation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tiyaking hindi na kasali ang mga ikinokonsiderang non-poor families.
Sinabi ni DSWD spokesperson Asec. Rommel Lopez, katumbas ito ng 22 percent ng kanilang bina-validate at nasa 187,000 beneficiaries na ang natanggal sa listahan.
Sa ngayon, nasa 93,600 indibidwal mula sa listahan ang posibleng irekomenda na matanggal dahil maituturing ang mga ito na non-poor na.
Ang slots na mababakante ay ibibigay sa mga nasa waiting list ng ahensiya.
Mayroon namang 24,000 benepisyaryo ang boluntaryong umalis sa programa.
Ilan sa mga dahilan para sa delisting ng mga benepisyaryo ay natural attrition o kapag ang isang bata na nakakatanggap ng cash aid mula sa gobyerno ay adult na o kapag ang pamilya ay nakaalpas na mula sa kahirapan.
Ang iba pang dahilan ay non-compliance ng beneficiary sa standards at requirements ng programa at may mga benepisyaryo na natanggal din sa program dahil mahigit pitong taon na ang mga ito.