Advertisers
AGAD inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang panukalang P2.3 bilyon na 2023 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Ang naturang budget ng OVP para sa susunod na taon ay 223% na mas mataas kumpara sa pondo ng nasabing ahensya ngayong 2022.
Nag-mosyon nitong Miyerkules si House Minority Leader Marcelino Libanan na i-terminate ang pagdinig para sa 2023 budget ng OVP bilang kortesiya sa pangalawang pangulo, habang ang interbelasyon naman ay isasagawa na lamang sa plenaryo.
Nagpasalamat naman si VP Duterte sa Kamara sa pagsuporta sa mga proyekto at aktibidad ng OVP, kaya’t tiniyak niya na bukas ang kaniyang tanggapan sa anumang pagtutulungan sa mga mambabatas para sa kani-kanilang distrito o partylist.