Advertisers

Advertisers

Problema ng Manileño, sinagot ni Mayor Honey sa 1st ‘Usapang Maynila’

0 299

Advertisers

OPISYAL nang sinimulan ang ‘Usapang Maynila’ kung saan personal na inalam ni Manila Mayor Honey Lacuna at iba pang opisyal ng lungsod ang problema ng kaniyang constituents para agad matugunan. Isinagawa ang kauna-unahang “Usapang Maynila” sa basketball court ng Barangay 378, nitong nakalipas na Miyerkules.

Kabilang sa mga mga tanong na sinagot ni Lacuna ang senior allowance at pension, pagbabayad ng mga vendor, libreng passes para sa mga senior citizen sa Manila Zoo, gayundin ang nararanasang pag baha sa partikular na lugar.

Una niyang nilinaw na ang P500 allowance na ipinagkakaloob sa mga kwalipikadong senior citizen ay tatlong beses sa isang taon o kada ikaapat na buwan.Ang social pension ay nagmumula naman sa national government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).Hindi kasali sa nabibigyan ang mga senior citizen namay iba pang natatanggap na pension.



Magpapasa din ng ordinansa na pagkalooban ng ‘one-day free pass’ ang mga senior citizen para sa pamamasyal sa Manila Zoo.

Sa isyu naman ng vendor, nasa P600 ang annual payment at P620 kada buwan sa tinawag na concessionaire’s fee ng Manila Hawker’s , na napupunta sa kaban ng lokal na pamahalaan

Ayon pa kay Lacuna, sa Nobyembre 15, 2022 ay isasagawa ang annual Christmas Tree Lighting sa Kartilya ng Katipunan.

Sa problema naman sa hanggang tuhod na pagbaha sa lugar na dulot ng drainage sa Aurora Boulevard St., sinabi ni City Engineer Engr. Armand Andres na pinatutukoy na ang dahilan upang maisaayos at maiwasan ang pagbaha.

Sinamantala na rin ng mga opisyal sa pangunguna ni Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto , ang door-to-door na pagbisita sa mga residente, partikular sa mga bed-ridden na stroke at dialysis patients sa Zone 37 at Zone 38 ng ilang barangay sa District 3.Pinagkalooban sila ng wheelchair at financial assistance.



Ang mga senior citizen naman ay pinagkalooban ng gatas na Birch Tree.

Kasama din sa gumalo sa Usapang Maynila sina District Rep. Joel Chua, Majority Leader Councilor Jong Isip, Councilors Apple Nieto, Fa Fugoso, Maile Atienza, Terrence Alibarbar, Tol Zarcal at mga director ng iba’t-ibang departamento ng Manila City govt, Barangay at Sangguniang Kabataan, presidente ng senior citizens , at mga lider ng TODA.

Nakatakda ring isagawa ang Usapang Maynila sa iba’t-iba pang lugar sa lungsod. (ANDI GARCIA)