Advertisers

Advertisers

BI naghigpit sa mga dayuhang mula Cambodia, Vietnam

0 205

Advertisers

PINAHIGPIT ng Bureau of Immigration (BI) ang screening sa mga dayuhan na nanggagaling sa Cambodia at Vietnam upang hindi makapasok sa bansa ang mga indibidwal na sangkot sa krimen.

Ipinag-utos ni BI Commissioner Norman Tansingco sa mga ‘frontline personnel’ na i-refer agad sa ikalawang inspeksyon ang mga dayuhan mula sa naturang mga bansa na may kahina-hinalang dahialn ng pagbisita sa Pilipinas.

Ito ay makaraan ang mga ulat mula sa lokal na mga awtordidad sa Cambodia at Vietnam sa pagtaas ng mga kaso ng kidnapping at extortion ng mga sindikato sa naturang mga bansa.



Ganito umano magtrabaho ang immigration, ayon kay Tansingco. Sinusuri nila ang tinatawag na ‘arrival trends and patterns’ saka gagawa ng aksyon.

Malaking tulong rin umano ang ugnayan nila sa mga awtoridad ng iba’t ibang bansa para makita kung saan sila maghihigpit ng seguridad para sa iba’t ibang uri ng biyahe, paliwanag pa ng opisyal.

Plano rin ngayon ng BI na magpatupad ng ‘advance passenger information system’ na maaaring makita nila ang ‘trends’ at makapaglatag agad ng mga polisiya para sa seguridad ng mga hangganan. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)