Advertisers
NASAKOTE ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang nagpapanggap na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nangikil bilang ransom na P250,000 kapalit ng pagpapalaya sa dalawang Chinese nationals na nasagip ng bureau.
Kinilala ng NCRPO, ang nadakip na si Lary Marbid, 48 anyos, na nahuli sa entrapment operation Linggo ng gabi nang humingi ng cash ransom mula sa isang babae na nakakakilala sa mga biktimang Chinese.
Ayon sa ulat, nagpapakilala si Marbid na kawani ng isang mataas na opisyal ng NBI.
Naaresto rin ang isang Laurence Delos Tria Cathillira sa reklamong obstruction of justice nang mamagitan at pinatitigil pa ang operasyon.
Nilinaw ng NBI na hindi nila ahente o empleyado si Marbid.
Dahil sa insidente, sinabi ni NBI spokesperson Giselle Dumlao na binabawi ng bureau director ang pagtatalaga ng lahat ng NBI consultants o confidential agents at iniutos na ibalik ang kanilang ID. Na-recall ang mga ID noong Agosto 2.
Isinagawa noong Setyembre 16 ang joint operation ng NBI kasama ang Chinese Embassy at Bureau of Immigration na kinasangkutan ng mga Chinese national na binanggit ni Marbid.