Advertisers

Advertisers

Direk Njel de Mesa pasabog ang pelikulang Coronaphobia

0 340

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ANG pelikulang Coronaphobia ni Direk Njel de Mesa ay maraming pasabog at kaabang-abang na eksena. Basically, ito ay paalala sa lahat kung gaano katindi ang Covid 19 na gumimbal at naka-apekto sa halos lahat ng lupalop ng mundo.
Ito ay ukol sa apat na turista na napadpad sa Pilipinas sa kasagsagan ng pandemyang dulot ng Covid. After ng ilang buwang lockdown sa bansa, desperado na silang makauwi, lalo at halos ubos na ubos na ang kanilang dalang pera.
Kaya nag-isip sila ng solusyon at nang nalamang may abandonadong building na may milyones na cash, nagdesisyon silang pasukin ito at nakawin ang pera.
Lingid sa kanilang kaalaman, mayroon ditong building custodian na tila ang kanyang pag-iisip ay naapektuhan ng virus, na desidido siyang puksain ang lahat ng Covid19 threats at ang mga taong hindi nagpapahalaga at sumusunod sa corona virus protocol.
Isinulat at pinamahalaan ni Direk Njel, tampok dito sina Daiana Menezes, Will Devaughn, Paolo Paraiso, ang half-Pinay, half-Dutch host-athlete-model na si Cay Kuijpers, at ang hip-hop-rap recording artist na si Tommie King.
Ang pelikula ay hatid ng NDM Studios. Ito rin ang first time na sumabak bilang assistant direktor si Paolo Paraisio.
Inusisa namin si Direk Njel kung paano niya ide-describe ang kanyang pelikula?
Lahad niya, “Itong Coronaphobia ay isang suspense-thriller na pelikula na may kasamang social commentary tungkol sa karanasan at pag-uugali ng mga tao sa panahon ng pandemya.”
Paano pumasok sa kanya ang idea na gawin itong pelikula?
Esplika niya, “Nalulungkot kasi yung mga kaibigan ko dahil walang trabaho at walang mapaglibangan, kaya nag-isip ako ng proyekto na puwede silang yayain na madaling gawin habang naka-lockdown.
“Kaya nagsama sama kami sa iisang lugar noong lockdown at ginawa ang pelikulang ito.”
Saan at kailan ito ipalalabas?
“Baka sa Netflix or Amazon Prime. Pero balak muna namin na mag-regional premieres ang pelikula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas,” matipid na tugon pa niya.
Bukod sa pelikulang ito, ang ilan pa sa nagawang movies ni Direk Njel ang KontrAdiksyon, The Knocking, Allura, Respeto, No Permanent Address, at marami pang iba.
Katatapos kang din niyang gawin ang Al Coda na tinatampukan nina Marion Aunor at Gerald Santos.
Lalabas na rin ngayong buwan ang The Miranda Bomb, starring Cheska Ortega, Ivan Padilla, Pati na ang Ghost Informants, starring Ynez Veneracion, Nick Banayo and Dennis Padilla. Nakatakda rin niyang gawin ang Dead, Sexy, Vlog Squad na suspense-thriller, kasama na naman si Marion.