Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
PAGLILINAW ni Rayver Cruz na hindi pa niya gilfriend si Julie Anne San Jose pero aminado na pinopormahan niya ang singer/actress.“
To ba honest, nandu`n pa rin ako sa stage na medyo nanliligaw na medyo ano, papunta na ro`n and hopefully, sana, sagutin na niya ako,” say ni Rayver sa panayam sa kanya sa vlog ni Dra. Vicki Belo. Pero tila hindi makapaniwala si Dra. Vicki na hindi pa siya sinasagot ni Julie Anne.
“Hindi pa dok,eh. Pinapahirapan ako, eh,” say ni Rayver.
Sagot naman ng actor sa tanong kung ano ang nagustuhan niya kay Julie Anne, “everything dok.”
Sabi pa niya, “ang brilliant niya kasi na tao. Nu`ng paglipat ko kasi sa GMA, siya yung naging girl bestfriend ko do`n. And possible pala na magustuhan mo yung best friend mo.”
Nagsimula raw niyang magustuhan si Julie Anne early this year since may karelasyon nga raw siya before this and alam sa showbiz industry na ito ay si Janine Gutierrez
Tinanong din si Rayver kung ano ang naiisip niya kapag napag-uusapan ang true love, Ang mabilis niyang sagot ay si Julie Anne raw.“
I think, this is it,” say pa ni Rayver.
“Nanliligaw pa lang ako pero alam ko na ano, I can feel it here. Parang malalim, eh. Ramdam ko, eh,” say niya.
***
Matteo ‘di kalebel nina Lloydie at Dingdong para mag-demand sa Kapuso Network
Marami ang nagtatanong kung mahirap nga bang makipag-deal sa husband ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli kaya raw hanggang ngayon ay wala pang katiyakan kung matutulo ang negotiation niya sa Kapuso Network?
Ang usap-usapan ngayon ay marami raw demands ang kampo ni Matteo at marami itong hinihiling na gusto niyang show na hindi naman kaagad na maibibigay ng network dahil ang format ng gusto niyang show ay naibigay na sa malaking actor.
Kaya sa ngayon ay wala pang kumpirmadong project na gagawin niya sa GMA-7.
Sabi nga, sa dami ng mga artistang gustong maging bahagi ng Kapuso Network ay parang wala sa timing ang pagde-demand ng mister ni Sarah..
Sabi pa ng ilang netizens na hindi naman siya nasa level nina Dingdong Dantes, John Lloyd Cruz, Dennis Trillo at Luis Manzano para sugalan ng network.