Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGSISIMULA pa lang ng broadcast ang ALLTV pero sa soft launch na ginanap kamakailan ay pinuputakti na agad ito ng mga intriga.
Na-curious kasi ang netizens dahil sa sinabi ni Willie Revillame, executive ng ALLTV (dating AMBS2) na maraming surprise stars ang mapapanood sa nasabing network na pagmamay-ari ng dating senador na si Manny Villar.
Lately naman, nag-viral ang pag-join ng ilang kilalang personalidad na associated sa Kapamilya network maliban kay Ciara Sotto sa pictorial ng mga ito kasama si Willie sa ALLTV launch.
Kasama sa nag-grace ng soft launch sina Julia Barretto, Ella Cruz, Randy Santiago, Toni Gonzaga, Mariel Padilla at Ruffa Gutierrez.
Dahil dito, umugong ang mga balita na ang pag-apir nila sa event ay senyales na raw ng kanilang pagiging KaALLTV, o sa madaling salita ay magiging talents na sila ng bagong Villar network.
Sa kaso nina Toni, Mariel at Ciara, sila ang masasabing buwena-manong mga talents na magkakaroon ng shows sa naturang network dahil pumirma na sila ng kontrata rito.
Katunayan, may kibitzers ngang nagsasabing gagawa ng morning lifestyle talk show sina Toni, Mariel at Karla Estrada, ang tinaguriang powerful troika, sa ALLTV lalo pa’t naging usap-usapan ang kanilang bonding noon pagkatapos na mag-celebrate sila sa pagkapanalo ng kanilang minamanok na si BBM sa pagka-presidente.
Kapansin-pansin naman na isa sa mga dumalo sa soft launch ang dating beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez.
Hirit tuloy ng mga mahadera, bakit ‘no show’daw si Karla sa nasabing okasyon?
Totoo kaya ang tweet ng isang birdie na di bet ni Willie si Karla kaya hindi ito invited ng TV host-actor sa simpleng event?
Ayon sa unconfirmed report ng isang bubuwit, mas type raw ni Willie na makasama nina Toni at Mariel sa isang show si Ruffa Gutierrez kesa kay Karla Estrada.
Speaking of Ruffa, hindi naman matatawaran ang galing niya sa pagho-host dahil napanday ang kanyang talento sa mga programang Eat Bulaga, The Buzz, Paparazzi at marami pang iba.