Advertisers

Advertisers

LGEC tanging ligal na magpalaro ng STL sa Quezon City

0 321

Advertisers

ANG Lucent Gaming and Entertainment Corporation (LGEC) OPC lamang ang ligal na makapagsagawa ng Small Town Lottery (STL) sa Quezon City.

Ito ang naging pahayag ng LGEC kungsaan sila ay pinahintulutan ng Philippine Charity Sweepstahes Office (PCSO) na magpalaro ng STL sa nasabing siyudad.

Ayon sa tumatayong legal counsel ng LGEC, bukod sa PCSO ay mayroon din silang kaukulang permit mula sa local government ng Quezon City.



Ipinakita ng Lucent Gaming sa mga mamamahayag ang isang certification na nagmula sa PCSO na nilagdaan ng bagong General Manager na si Melquades Robles na may petsang Sept. 12, 2022.

Alinsunod sa mga kaukulang batas at mga regulasyon na nauukol sa PCSO, isa lang sa bawat siyudad/bayan ang pinapayagan makapagpalaro ng STL.

Sa Quezon City, tanging ang LGEC ang may kaukulang permit mula sa PCSO at LGU na magpalaro ng STL sa lungsod.

Samakatuwid, lahat ng iba pang mga tao o organisasyon na nagpapalaro ng STL sa Lungsod ng Quezon, bukod sa Lucent Gaming, ay pawang illegal gambling operators.

“Lucent Gaming ang nagbibigay ng tax sa PCSO para makatulong sa ahensya na madagdagan ang kanilang pondo para makatulong sa publiko kaya dapat na mahinto ang operasyon ng mga illegal gambling operators sa QC’”, diin ng abogado ng LGEC.



Una nang pinag-utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. sa Philippine National Police (PNP) na hulihin ang lahat ng klase ng illegal bookies sa bansa upang tuluyan nang matigil ang kanilang mga operasyon.

Kaya humihingi ng tulong ang LGEC sa butihing alkalde ng Lungsod Quezon na si Mayor Joy Belmonte, at pati kay General Nick Torre, QCPD District Director, na tuluyang puksain at walang tigil na hulihin ang lahat ng illegal gambling operators sa lungsod, kasama na rito sina alyas “Ramil” at alyas “Badly”, ayon sa reliable sources.