Advertisers
NASAWI ang tatlong magkakaangkas sa motorsiklo nang salpukin ng humahagibis na traktor habang bumabagtas sa kahabaan ng Governor Ferrer Drive corner Bagong Kalsada Rd., Barangay Pasong Kawayan 2, General Trias City, Cavite.
Kinilala ng General Trias City Police ang mga nasawi na sina Jose Tuy Jr., 24 anyos, driver ng motorsiklo; at backriders na sina Junel Tuy, 18; at John Paul Basco, 22, kapwa construction workers at residente ng Almanza Uno, Las Piñas City.
Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Jayson Olivar, may hawak ng kaso, 12:30 ng ma-daling araw nang maganap ang insidente habang sakay ang mga biktima sa motorsiklong Mitsukoshi 150 MC na may plakang 589 QFU.
May kabilisan umano ang patakbo ng mga biktima at dahil narin sa madulas na kalsada bunsod ng mga pag-ulan, hindi na ito naiwasan ng kasalubong na Isuzu Tractor (RHF 110) na minamaneho ng isang Edgar Suguitan, 42, ng Bacolod, Isabela.
Sa lakas ng salpukan, tu-milapon ang mga biktima na pawang napuruhan sa ulo at nagkabali-bali ang mga buto.