Advertisers

Advertisers

2 patay sa pinalipad na motorsiklo

0 166

Advertisers

PATAY ang isang lalaki at angkas nito nang paliparin ang sinasakyan nilang motorsiklo hanggang sa bumangga sa SUV nitong Biyernes sa Cebu city.

Kinilala ang mga nasawi na sina Janrenan Omambac, 28 anyos, driver ng motorsiklo; at angkas na si Nencris Omambac, 31, kapwa residente ng Sitio Kapayawan, Barangay Colon, Naga City.

Sa report ng Minglanilla Police Station, 9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa national highway sa Barangay Tulay, Minglanilla, Cebu.




Ayon kay Police Lieutenant Crisanto Arreglo, deputy ng Minglanilla Police Station, mabilis ang patakbo ng motorsiklo ni Omambac at nag-overtake sa kasunod na SUV, dahilan para bumangga ang mga ito.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang dalawa, sanhi ng kanilang kamatayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na kapwa lango sa alak ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Nakipagkasundo naman ang pamilya ng mga biktima sa driver ng SUV na magbibigay ng tulong pinansyal at hindi na magsasampa pa ng kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">