Advertisers

Advertisers

BARIL BAWAL SA NAIA TERMINALS

0 237

Advertisers

Pinaalalahanan ni Office of Transportation Security (OTS) Administrator Ma. O Ranada Aplasca ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) laban sa pagdadala ng mga bala at armas.

Napag-alamang hinarang ng OTS personnel ang isang 36-anyos na babaeng patungong Bacolod nang makita ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) sa kanyang bagahe ang isang kahong naglalaman ng 50 piraso ng bala ng caliber .38mm habang nasa security screening sa NAIA Terminal 4.

Nagsasagawa si OTS Security Screening Officer Razel Santonia ng x-ray screening nang mapuna ang imahe ng bala at nang inspeksyunin ay tinawag nito ang mga PNP para maging saksi.



Nabigong magbigay ng kaukulang dokumento ang pasahero kaya’t siya ay dinakip sa paglabag sa Republic Act No. 10592.

Ang isa pang insidente ay nang matagpuan ng OTS Security Screening Officers ang walang papeles na .22 caliber firearm na nakatago sa underwear ng isang 40-year-old male passenger sa NAIA Terminal 4.

Patungong Cagayan de Oro ang pasahero nang tumunog ang walkthrough metal detector at nang kapkapan ni SSO Joseph Lee Caliwag at airport security screening checkpoint Supervisor Franklin Buscano ay doon na natagpuan ang baril na walang serial number.

Siya ay dinakip ng PNP-AVSEGROUP na nagsampa ng kasong illegal possession of firearm laban sa kanya. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">