Advertisers
Walang napinsalang mga dam sa paghagupit ng bagyong Karding sa Luzon.
Ito ang tiniyak ni National Irrigation Administration (NIA) administrator Benny Antiporda, batay sa kanilang monitoring.
Sinabi ni Antiporda na mahigpit na binabantayan ang Pantabangan at Magat Dams sa posibleng pag-apaw.
Ayon kay Antiporda, tanging ang Bulo Dam sa San Miguel, Bulacan ang nagkaroon ng pag-apaw subali’t hindi naman ito nagdulot ng matinding pagbaha.
Isang open dam ang nasabing water reservoir na tuluy-tuloy ang agos ng tubig mula sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Samantala, siniguro rin ni Antiporda na patuloy ang pakikipagtulungan ng NIA sa mga Local Government Unit, lalo sa Luzon upang mahigpit na i-monitor ang kaayusan ng mga dam sa bansa.