Advertisers
NASA P13 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine National Police (PNP) sa magkahiwalay na operasyon sa San Mateo, Rizal at Dasmariñas, Cavite nitong Lunes.
Sa unang operasyon ng mga tauhan ng San Mateo Municipal Police Station at Rizal Provincial Intelligence Unit, nasamsam ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P7 milyon.
Nakuha ang droga mula sa magkapatid na kinilalang sina Diadema Babasa, 56 anyos, isang high value target; at Betty Babasa, 45.
Sa pangalawang operasyon, nasamsam ng mga operatiba ng Police Regional Office (PRO) 4A, Cavite Provincial Police Office (PPO), Dasmarinas City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 850 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P6 milyon mula kina Dexter Santos, 25; Arlene Navarro, 41; at Ruffa Maie Gervacio, 22, isang bigtime drug dealer. ( EDWIN MORENO)