Advertisers

Advertisers

BSKE itinakda uli ng Oktubre 2023

0 227

Advertisers

NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang ‘Bicameral Conference Committee Report’ ng panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Sa aprubadong bersyon ng dalawang Kapulungan ng Kongreso, ipinapanukalang gawin ang Barangay at SK Elections sa huling Lunes ng October 2023.

Ang panunungkulan naman ng mga nahalal sa petsang ito ay magsisimula ng November 30, 2023.
Orihinal na naka-schedule ang Barangay at SK Elections sa Disyembre 5, 2022.



Nagpahayag ng pagtutol sa bicam report ng panukala sina Senate Minority Leader Koko Pimentel, Senadora Risa Hontiveros at Senadora Pia Cayetano.

Una nang sinabi ni Senate Committee on Electoral Reform Chairperson, Senadora Imee Marcos, na ang panukalang suspensyon ay para mabigyan ng panahon na mapag-aralan ang ilang isinusulong na pagbabago sa sistema ng Barangay at SK.

Layon din ng panukalang mailaan ang pondo para sa Barangay at SK Elections sa ibang mas kinakailangang programa ng gobyerno.

Pero ang panukalang ito ng Kongreso ay kakailanganin pa ng pirma ng Pangulo para maging ganap na batas at maselyuhan ang pagpaliban sa halalan.

Kapag ibinasura ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang panukalang ito ng dalawang kapulungan, matutuloy ang eleksyon sa Disyembre 5.



Sisimulan na ngayon ng Comission on Elections ang pag-imprinta ng balota na gagamitin sa BSKE.