Advertisers
DAVAO CITY – Nagtamo ng sunog sa katawan ang tatlong mag-aaral ng National High School sa Awao, Monkayo Davao de Oro nang pumalya ang kanilang ginagawang experiment sa science laboratory nitong Huwebes.
Ayon sa principal na si Horacio Lacia, nagsagawa ng science experiment ang adviser ng mga mag-aaral kasama ang tatlong biktima kungsaan tinatawag na “Water Cycle” ang kabilang sa kanilang aralin.
Ngunit bigla nalang nilamon ng apoy ang isa sa mga sangkap ng experiment na Flying Tiger Denatured Alcohol.
Napag-alamang ginagamit ang naturang chemical na fuel ng lighter at gamit din sa industrial na isang inflammable material.
Posibleng mataas ang combustible content sa nasabing sangkap kung kaya’t mabilis nilamon ng apoy na siyang dahilan ng pagkasunog ng ilang bahagi ng katawan ng tatlong mag-aaral.
Kaagad namang dinala sa Montevista Provincial Hospital ang mga estudyante na hindi na pinangalana at kasalukuyan nagpapagaling.