Advertisers

Advertisers

Pulis pinagsasaksak ng adik

0 207

Advertisers

SUGATAN ang isang Pulis-Taguig nang pagsasaksakin ng drug suspect sa drug buy-bust operation sa Taguig City.

Ang nasaksak ay kinilalang si Police Staff Sgt. Marlon Dogaojo na kaagad isinugod sa Taguig-Pateros District Hospital.

Sa report, isinagawa ang operasyon laban sa suspek na si Luisito Almario, 43 anyos, sa Paso St., Barangay Bagumbayan.



Ngunit nakatunog si Almario na pulis ang kanyang ka-transaksyon at pinagsasaksak ito ng kitchen knife sa tiyan.

Nagawang lumaban ni Dogaojo at binaril si Almario na sugatan din at ginamot sa parehong ospital.