Advertisers

Advertisers

Magnanakaw uminom ng tubig lumitaw ang mukha sa CCTV

0 191

Advertisers

ILOILO CITY- Hindi nakatiis ang isang kawatan na pigilan ang pagkauhaw nang alisin ang suot na facemask sa loob ng gusali na kanyang ninakawan para uminom ng tubig at tumambad ang mukha nito sa CCTV sa Jaro, Iloilo city nitong Huwebes.

Batay sa report ng Jaro Police Station, nakita sa CCTV ang lalaki sa loob ng isang gusali na nakasuot ng sombrero at facemask.

Posibleng hindi na nakayanan pa ng lalaki ang pagka-uhaw nito kaya uminom ng tubig sa harap pa mismo ng CCTV.



Tinangay ng lalaki ang halagang P2,000.00 at cellphone.

Sa pahayag naman ng empleyado ng gusali, dumaan ang lalaki sa likod na bahagi ng gusali at umakyat ito ng hagdan para makapasok sa ikalawang palapag.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang magnanakaw na marami na rin nilooban sa nasabing bayan.