Advertisers

Advertisers

Grade 10 student tulak na ng droga

0 205

Advertisers

BAGSAK sa kulungan ang isang Grade 10 student nang mahuli ng mga pulis na nagbebenta ng ilegal na droga sa Novaliches, Quezon City.

Batay sa paunang ulat mula kay PLT Rommel Baylon ng Novaliches police, edad 18 ang binatilyo na kilala sa alyas “Boss”. Kasama nitong naaresto ang 21 anyos na lalaki na dati na rin nakulong dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Gamit ang P1,000 marked money, nakipagtransaksyon ang mga operatiba sa dalawang suspek, 2:30 ng madaling araw nitong Lunes.



Nasamsam sa dalawang ang mga 7 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P840,000.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga naarestong susepk.