Advertisers
Arestado ang isang lalaking suspek sa pambubugaw umano ng mga babae online, sa isang operasyon na ikinasa ng pulisya sa Quezon City.
Sa ulat, nahuli ang suspek sa isang entrapment operation sa Kalayaan Avenue na isinagawa ng Quezon City Police District (QCPD).
Ayon kay QCPD District Special Operations Unit (DSOU) chief Police Lieutenant Colonel Rolando Lorenzo Jr., ibinubugaw umano ng suspek ang mga babae ng tig-P6,500.
Nasagip naman ng mga awtoridad ang dalawang babaeng biktima, at isa sa kanila nobya pa ng suspek.
Ayon kay Lorenzo, base sa kanilang panayam sa mga biktima, sa P6,500 na umano’y fee, P3,500 lamang ang napupunta sa biktima at P3,000 naman sa suspek.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act, Cybercrime Prevention Act, at Anti-Violence Against Women and Their Children Act.