Advertisers
Lungkot at galit ang nararamdaman ng pamilya ng pinaslang na broadcaster at komentaristang si Percival Mabasa a.k.a. Percy Lapid.
Sa Facebook account ni Roy Mabasa, nakatatandang kapatid ni Percy, dating Pangulo ng National Press Club (NPC) at dating reporter ng Manila Bulletin, ipinahayag nito ang paghingi ng hustisya ng kanilang pamilya sa pagkakapatay sa mamamahayag.
Ayon kay Roy, hindi lang ito krimen laban sa kanilang pamilya kundi maging sa bansa.
“We are deeply saddened and angered by the brutal and brazen killing of fearless broadcaster, father and husband, brother and friend, Percy Lapid.”
“We strongly condemn this deplorable crime; it was committed not only against Percy, his family, and his profession, but against our country, his beloved Philippines, and the truth.”
“Percy was beloved by many and highly respected by peers, fans and foes alike. His bold and sharp commentaries cut through the barrage of fake news over the air waves and on social media. We demand that his cowardly assassins be brought to justice.”
Tinambangan si Lapid ng mga salarin na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Aria St, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City, Lunes ng gabi, Oktubre 3.
Ayon sa salaysay ng ilang saksi, minamaneho ni Lapid ang kanyang kulay itim na Toyota Innova na may plakang NGS 8294 nang banggain mula sa likuran ng isang kulay puting Toyota Fortuner kasabay ng pagbaril naman ng salarin na nakasakay sa motorsiklo.
Mabilis na nagsitakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon matapos ang insidente.
Sa pagdating ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar, nakarekober ng dalawang basyo ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril.
Inaalam din ng mga imbestigador kung may CCTV camera na nakakabit sa lugar na makatutulong sa kanilang imbestigasyon para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.
Ayon sa manugang ni Lapid, mag-o-online broadcast sana ang kanyang biyenan sa kanilang bahay pero bago pa man makarating ng gate ng kanilang village pinagbabaril na ito na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Samantala, bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Force upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nasabing krimen upang matukoy at agarang pagkakadakip sa mga salarin.
Kinondena naman Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang pagpatay sa nasabing broadcaster at panawagan ang mabilisan paglutas sa nasabing kaso.
“The killing shows that journalism remains a dangerous profession in the country. That the incident took place in Metro Manila indicates how brazen the perpetrators were, and how authorities have failed to protect journalists as well as ordinary citizens from harm,” ayon naman sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).