Advertisers
Arestado dalawang aktibong pulis at dalawang sibilyan nang pasukin at pagnakawan ang isang negosyante sa Gen Santos City.
Kinilala ang mga nadakip na sina CMSgt. Renante Medina, 44; MSgt. Christopher Ararao, 45, pawang nakatalaga sa Davao City Police; Edwin Salvador, 40; at Winston Jay Ongco, 30 anyos. At ang biktima kinilalang si Jacky Faeldin, 37, negosyante ng Brgy. San Jose Gen Santos City.
Ayon kay Brig. Gen. Jimili Macaraeg, Director Police Regional Office-12, nadakip ang mga suspek sa isang checkpoint sa Diversion Road Brgy. Katangawan, Gen Santos City.
Sa ulat, pinasok ng mga suspek na nagpakilalang mga pulis ang bahay ni Faeldin at tinutukan ito ng baril at pinagnakawan ng mga personal na kagamitan at cash na P165.000.
Tumakas ang mga suspek sakay sa Hyundai Tucson Utility Vehicle na patungo Davao City.
Agad naman naipagbigay alam ng biktima sa mga otoridad ang insidente at naaresto ang mga suspek sa isang checkpoint.
Narekober sa mga suspek ang bush master rifle, 1 rifle greande, 2 cal 45, 2 9 mm at cellphone ng biktima at cash na P166,000.
Nasa kustodiya ng Gen. Santo Police Station ang mga suspek at sumasailalim sa imbestigasyon at paghahanda ng kasong hold-up, robbery, at illegal possession of high powered firearms. Habang nahaharap naman sa kasong administrative sina Medina at Ararao. (Mark Obleada)