Advertisers

Advertisers

Holdaper, natunton sa GPS ng celfone ng biktima

0 232

Advertisers

Natunton ng mga pulis-Quezon City ang mga holdaper na nagholdap sa isang babae, sa pamamagitan ng global positioning system (GPS) ng cellphone ng biktima.

Sa ulat, naagawan ang biktima na 32 anyos na babaeng accountant ng cellphone, laptop, alahas, at malaking halaga ng pera ng mga holdaper sa EDSA habang papauwi galing sa trabaho nitong Miyerkoles ng gabi.

Dumulog agad sa Quezon City Police District (QCPD) Station 10 ang biktima at natunton kaagad  ang kinaroroonan ng mga suspek sa tulong ng GPS.



Naaresto ang apat na suspek na tatlong lalaki at isang babae sa Barangay Bagong Pag-asa, at nabawi sa kanila ang lahat na ninakaw mula sa biktima.

Nakuhanan din ang mga suspek ng isang sumpak.

Mahaharap ang apat na suspek sa reklamong robbery.