Advertisers
Nagpapasalamat ang legal team ni Atty. Alex Lopez sa Second Division ng Commission on Election sa pangunguna ni honorable Commissioner Rey E. Dulay sa paunang desisyon sa election protest na inihain nito.
“Nalulungkot kami na mabilis na napagdesisyunan ang protesta nang hindi ibinigay kay Atty. Alex Lopez ng pagkakataong magharap ng ebidensya at pagtalunan ang kanyang kaso,” pahayag ng legal team ni Lopez.
Anila, makikinabang sana ang kampo ni Lopez sa nararapat na legal na remedyo na ibinibigay ng batas.
Ayon sa legal team ni Lopez, na nagtitiwala pa rin sila sa integridad at kakayahan ng COMELEC, at nananatili silang umaasa na magiging tapat ang Comission sa kanilang mandato at magpapasya sa protesta batay sa merito ng kaso.
Sinabi pa ng grupo na bukod sa protesta, nagsampa rin ng Election Offense Cases si Lopez laban kay Mayor Honey Lacuna at sa buong Asenso Manilenyo slate.
Sa mga kasong ito, napatunayan natin ang mga ilegal na gawain ni Lacuna, et al na nag-ambag sa kanilang tagumpay, at ang pagsupil sa kalooban ng mga Manileño.
Ipinahayag pa ng legal team ni Lopez na tinitiyak nila sa lahat ng mga tagasuporta nito na walang humpay na hahabulin nila ang hustisya at titiyakin na maririnig ang tunay na boses ng mga Manileno.