Advertisers

Advertisers

PBBM bubuo ng sariling partido, kakalas na kay Duterte? BAKBAKAN ‘TO!

0 221

Advertisers

PLANO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kumalas sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at bubuo ng kanyang sariling partido, ulat ng online Politiko.

Kasama ng Pangulo sa umano’y pagbuo ng bagong political party ang bilyonaryong alkalde ng Bacolod City na si Albee Benitez.

Ikinagalit umano ni dating Pangulo Rodrigo Duterte ang plano nang malamang nililigawan ni PBBM ang mga miyembro ng PDP-Laban para lumipat sa kanyang partido.



Si Duterte ang bagong tserman PDP-Laban.

Ang PFP, kungsaan si PBBM ang tserman, ay binuo noong 2018 para suportahan si Duterte at ang kanyang kampanya para sa federalism.

Ang miting kamakailan ng mga politiko sa Malakanyang ay sinasabing ploy o pakana lamang para sa pag-recruit ng potential members para sa bubuuing partido ni PBBM.

Kabilang sa mga politiko na pumunta sa Palace meeting ay sina Benitez, kanyang kapatid na si Negros Occidental Representative Francisco Benitez, Ormoc Rep. Richard Gomez, Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez, Laguna Rep. Ruth Mariano Hernandez, at Nueva Ecija Rep. Ria Vergara.

Bago ito, nagsagawa ang PDP-Laban ng national assembly noong Sept. 29, kungsaan nagsalita si Duterte na ang kanilang partido ay magsisilbing “fiscalizer” ng administrasyong Marcos, bagama’t sinusuportahan niya ang Pangulo.



“We are not putting up a strong party against the party of the President. We are not going to quarrel with him. Far from it. We will be giving our full support for him politically,” sabi ni Duterte.

“But the President can be very sure that in the coming days, we will fiscalize. ‘Pag may nakita tayong masama, we will raise our voice because that is the essence of our presence here,” babala ng dating Pangulo na nagbaon sa Pilipinas sa halos P13 trilyong utang sa loob at labas ng bansa.