Advertisers

Advertisers

DIVISORIA, PINALIBUTAN NG MGA CCTV CAMERA AT SPEAKERS

0 288

Advertisers

BILANG bahagi ng pagbibigay seguridad sa pagdagsa ng mga mamimili sa area ng Divisoria partikular na ngayong panahon ng Kapaskuhan, naglagay ng mga CCTV camera at public address speaker ang Manila Police District (MPD) sa nasabing lugar.

Ayon kay MPD Dagupan outpost Chief PSMS Gerardo Tubera, nasa labing-anim na CCTV camera ang kanilang inilagay sa kahabaan ng Recto Avenue mula Dagupan street hanggang Elcano street.

Ang mga nasabing CCTV camera ay inihandog ng Manila Chinese and Action Team (MCAT) na binubuo ng mga negosyanteng Filipino-Chinese na nagbibigay suporta sa kapulisan at sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.



Ayon sa tagapagsalita ng MCAT na si Dr. Robert Sy, simula pa lamang ang pandemya ay nagbibigay na sila ng suporta sa pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno Domagoso kung saan kabilang na dito ang saku-sako ng mga bigas at 200 wheel chair.

Ayon pa kay PSMS Tubera, bukod sa mga nasabing CCTV camera ay nagkabit din sila ng pitong public address speaker (trompa) sa Divisoria upang makapagbigay ng paalala sa publiko lalo na sa pagpapatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at pagpapanatili ng physical distance.

Sa pahayag naman kay MPD Station Commander PLt. Col. Magno Gallora, malaking tulong aniya ang mga CCTV camera at speakers na ikinalat sa Divisoria dahil mamomonitor nila 24/7 ang nasabing lugar lalo na laban sa mga masasamang loob.

Iginiit naman ni Dr. Sy na patuloy silang magbibigay suporta at tutulong sa MPD lalo na sa lokal na pamahalaang lungsod. (BONG SON)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">