Advertisers
Nais ng mga Ka Usapang HAUZ na agad makarating sa tanggapan ng butihin at action man DILG Secretary Benhur Abalos ang ginagawang pang-aabuso sa puwesto ng tatlong Barangay Kapitan mula sa Bayan ng Bambang Nueva Vizcaya, Meycauyan Bulacan at Taytay sa Lalawigan ng Rizal.
Unahin nating malaman ni Sec. Abalos ang ginawang pang-aabuso sa puwesto nitong si Barangay Mabasilo, Bambang Nueva Vizcaya Chairman Rolando Hernandez, menor de edad lang naman po ang ginawan nito ng pagmamalabis.
Isang 16 anyos na binatilyo ang walang awang pinakain ng nilukot na P100 peso bill na may palaman na limang pirasong 1 peso coin sa harap mismo ng mga kagawad ng brgy kasama ang mga tanod at ilang brgy employees ang siste mga Ka Usapang HAUZ ni isa sa mga ito ay walang umawat sa ginawang sapilitang pagpapakain ng kanilang Kapitan.
Ang pagpapakain ng pera sa biktima na itago sa pangalang “Kulas” ay nag-ugat matapos na makatuwaan ng binatilyo kasama ang isa pang kabataan na pasukin ang isang tindahan ng ulam na pagaari ni Ronalyn Antonio ng nasabi ring Brgy at kuhanin ang hindi mabatid na halaga ng pera subalit ito ay nahuli ng may-ari sa madaling salita agad namang nagkaayos ang magkabilang panig sa tanggapan ng Barangay.
Nagkataon ng mga oras na iyon ay wala sa kanyang opisina si Kapitan Hernandez kung kaya’t ng mabalitaan nito ay agad pinatawag si Kulas at isa pa nitong kasama, dahil siya nga ang Kapitan walang nakaporma mga Ka Usapang HAUZ ng ipakain sa pobreng bata ang pera na sa takot sa bantang gigilitan ay pinilit na nilunok ang pera ayun ang suma total nagsuka ng dugo ang biktima.
Dahil sa hindi makataong parusa na ginawa ni Kap. Hernandez umalma ang isa sa mga Kagawad nito na si Jona May Alarcon na personal na nagtungo kasama ang pamilya ng biktima sa tanggapan ni P/Major Frederick Ferrer, Bambang COP upang magsampa ng kasong Child Abuse na sa kasalukuyan ay nasa Provincial Prosecutor’s Office ang kaso kung saan hihilingin ng mga witness na suspindihin si Kapitan sa kanyang puwesto habang dinidinig ang kaso.
####
Nakawan Lumobo sa Brgy Perez, Meycauyan Bulacan?
Gaano katutuo na hindi kayang masolusyunan ng kasalukuyang nakaupong Brgy Perez Meycauyan Bulacan Chairman Herman Berciles ang serye ng nakawan sa kanyang nasasakupan partikular ang grupo ng Akyat Bahay kasi po mga Ka Usapang HAUZ limang magkakasunod na insidente ng panloloob sa bahay ay naganap sa Las Villas Subd Phase 3-D maging sa Phase 4 ay umabot na.
Alam nyo po ba mga Ka Usapang HAUZ na ito palang si Kap. Berciles ay aksidente lang ang pagkakahirang bilang Chairman dahil ang tunay na halal ay ang namayapang Perez Chairman Anthony Camacam na inatake sa puso habang gumaganap sa kanyang tungkulin, baka nga di pa niya feel na siya na ang kapitan kaya di umaaksiyon para sa peace and order ng lugar.
Oh baka naman tutuo yung nakarating sa ating impormasyon na abala itong si Berciles sa ipinagutos niya sa kanyang mga tanod lalong lalo na dati umanong retired policemen na siya nakatoka sa pagobliga sa mga koleksiyon sa mga illegal vices sa brgy isama na natin ang mga parating na intelihensiya ng mga vendor na nagkalat sa lansangan kaya ang trapik sobra, meron pong gustong itanong ang mga residente ng Brgy Perez sa butihing kalihim ng DILG Sec. Abalos na kung pwedeng gamitin sa personal na lakad ang govt vehicle na tulad ng issue na isang Toyota Hilux?
#####
Peryahan na may Sugalan sa Harap ng Simbahan sa Taytay Rizal
Harapang pambabastos sa Simbahang Katoliko lalong lalo na sa mga de boto ng San Lorenzo Church sa Sitio San Lorenzo, Brgy. Sta Ana Taytay Rizal dahil may isang peryahan na may halong sugalan na halos wala pang 30 metro ang layo na pati menor de edad ay tumataya.
Base sa impormasyong nakarating sa Usapang HAUZ isang alias Mang Bert ang siyang may-ari ng Pergalan sa tabi ng Simbahan at ang tanong ng mga residente ay bakit pumayag ang kanilang Kapitan Michelle Cruz na itayo ito sa sagradong lugar na naiistorbo ang mga nagsisimba at itong iba ay diretso sa mga color games at drop ball.
Sabagay tutuo siguro yung sinabi sa Usapang Hauz ng ating impormante na malaki ang hatag nitong si alias Mang Bert sa mga brgy official kaya walang takot na nakapagtayo ng pergalan, ewan lang natin kung may nakarating kay chairman Cruz?
Pero bago magtapos ang paksa ngayon ng Usapang HAUZ, ito palang pergalan ni Mang Bert sa San Lorenzo Church ay dating nasa harapan din ng Antipolo Church na pinalayas dahil nabastusan ang mga deboto at inerekominda na paalisin, kaya Taytay Mayor Allan De Leon may pagkakataon pa na ipagiba mo na ang peryahan sa tabi ng Simbahan kesa sa ikaw ang gibain ni DILG Sec. Abalos dahil numero unong maka diyos, makatao at higit sa lahat ayaw nito ng ilegal.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036