Advertisers
Nagpahayag ng pakikipagtulungan sa Amazon Web Services (AWS) ang YouthWorks PH, isang pribadong sektor na humihimok sa mga kabataan upang magkaroon ng trabaho na isa sa programa ng United States Agency for International Development (USAID) at Philippine Business for Education (PBEd),
Makakatulong ang programang sa mga kabataang walang trabaho at underemployed na may kaunting karanasan sa teknolohiya upang mahasa ang kanilang kasanayan sa vital cloud skills at makakonekta sa mga local employers para sa mga oportunidad na trabaho. Inaalok ang 12-linggong programa ng walang bayad sa mga gustong mag-aaral.
Inilunsad ang YouthWorks PH noong May 2018 kung saan matagumpay na nagbukas ng 13,734 work based training opportunities para sa mga kabataan.
Sa ngayon, may 4,299 kabataan ang matagumpay na nakasama sa programa. Sa kabila ng pandemya, 62% ng mga nagtapos at nabigyan ng trabaho.
Isinagawa ang pormal na libreng training collaboration sa isang ceremonial signing event nitong Miyerkoles, October 12, 2022 ng mga kinatawan ng US Embassy at opisyal ng USAID, PBEd executives, at AWS Philippines Country Head.
Nakipagtulungan din ang YouthWorks PH sa BDO, Unibank at technology startups Proudcloud at Launchgarage para suportahan ang naturang program sa pamamagitan ng pagbibigay ng on-the-job training para sa mga masisipagtapos kapag natapos na nila ang AWS cloud practitioner certification.
“AWS re/Start is a great fit in the YouthWorks PH work-based training model, which provides on-the-job training to improve upskilling in digital technologies. As our industry partners prepare for the workforce demands of Industry 4.0, this collaboration can help in building an inclusive and diverse local and global pipeline of new cloud talent. We are on cloud nine launching this collaboration for PH workforce development,” pahayag ni Love Basillote, Executive Director, Philippine Business for Education (PBEd).
“AWS re/Start seeks to bring new talent into the workforce, which can establish a win-win scenario for individuals to launch successful careers in cloud, can assist organizations to increase their competitive edge with in-demand talent, and can help communities to thrive and grow. We are proud to work with PBEd to build the diverse, robust cloud workforce of the future enabling the Philippines to accelerate its digital transformation,” wika ni Stephen Thomas Misa, Country Head, AWS Philippines.
Simula sa Nobyembre, ang unang grupo ng AWS re/Start graduates ang inaasahang itatalaga upang suportahan ang cloud service ng BDO Unibank bilang bahagi ng kanilang on-the-job training.
“BDO is committed to delivering innovative products and services that exceed customer expectations. As we take our financial services to the next level with the use of cloud technologies, having the right people for the job is crucial. Graduates from AWS re/Start can play a critical role in this big step towards our digitalized future,” pahayag naman ni Nestor Tan, BDO Unibank President and CEO.
Para sa karagdagang impormasyon sa PBEd, bisitahin ang https://www.facebook.com/OnePBEd at www.pbed.ph upang kumonekta sa AWS re/Start graduates o matuto pa tungkol sa programa, bisitahin ang https://aws.amazon.com/training/restart/.